National

Palasyo, tiniyak na handa ang gobyerno para sa planong transport strike sa Lunes

Tiniyak ng Malacañang sa publiko na naghanda ang gobyerno ng mga contingencies para matulungan ang mga commuters na maapektuhan ng weeklong transport strike sa susunod na linggo.

Ito ay sa kabila na sinasabi ng Malacañang na 94% ng mga jeepney drivers ay hindi makikilahok sa strike, bilang protesta sa nakaambang phaseout ng traditional jeepneys kaugnay sa public utility vehicle (PUV) modernization program.

Kabilang sa mga hakbang na gagawin ng pamahalaan ay ang deployment ng Philippine National Police (PNP) personnel para imonitor ang sitwasyon sa ground, maging ang pagpapanatili sa peace and order sa mga apektadong lugar at ruta.

Ayon sa Presidential Communications Office, inatasan din ang PNP na i-mobilize ang kanilang regional assets sa pamamagitan ng pagdeploy ng 41 transport vehicles na magsasakay sa mga commuters papunta sa kanilang destinasyon.

Parehong hakbang din ang gagawin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

BNFM Makati

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

1 hour ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

2 hours ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

2 hours ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

2 hours ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

2 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago