DA, pormal nang inilunsad ang loan program para sa mga magsasaka ng sibuyas

Pormal nang inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang special loan program para sa mga magsasaka, kasunod ng krisis sa sibuyas, kung saan parehong naghihirap ang mga consumers at producers.

Ayon sa DA, inilunsad ng Department of Agriculture’s Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ang Agri-Negosyo (ANYO) Loan Program for Onion Farmers para makapagbigay sa mga local producers ng mabilis na access na makautang para sa mga facilities, machinery, at iba pang equipment.

Kaugnay nito, isinama ng ahensya ang Rueda Onion Growers Association at ang Genaro Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative bilang mga loan beneficiaries, na makakatanggap ng P3 million at P10 million na utang.

Makakabenepisyo sa naturang special ANYO loan program, ang mga magsasaka ng sibuyas na may dalawang ektaryang taniman at registered farmers’ cooperatives associations, dahil zero-interest loans ang kanilang makukuha na maaring bayaran ng hanggang limang taon na may maximum amount na P300,000 at P15 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *