Pamamahagi ng 10,000 cash grant sa mga 90-anyos na senior citizen sa Cauayan City, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Office of the Senior Citizen Affair (OSCA) Cauayan City ng 10,000 pesos cash grants sa mga senior citizen na  90-anyos pataas.

Ito ang kinumpirma ni OSCA President Edgardo Atienza Sr sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, nito lamang nakaraang buwan ng Agosto ay nasa 11 na senior citizen sa lunsod ang nabigyan ng 10,000 pesos mula OSCA at LGU Cauayan City.

Ito aniya ay alinsunod sa programa ng LGU Cauayan na mabigyan ng insentibo ang 90-anyos pataas na mga senior citizen.

Dagdag pa niya, depende umano sa mga aprubadong aplikasyon ng mga senior citizen na may kaarawan sa bawat buwan ang target na mabigyan ng onetime cash incentives.

Hinikayat naman ni Atienza ang mga senior citizen sa lunsod na may edad 90 pataas na mag-apply lamang sa kanilang opisina at magpasa ng kaukulang dokumento.

Ito ay kinabibilangan ng birth certificate, photocopy ng birth certificate ng panganay na anak, original copy ng barangay certification na nagpapatunay ng senior citizen’s current age, cedula, senior citizen ID, 2×2 picture at whole body picture upang mavalidate at mabigyan ng insentibo

Samantala, nagpapatuloy din umano ang pagkuha ng OSCA ng mga masterlist ng miyembrong senior citizen sa bawat barangay sa lunsod upang mapabilang sila sa insurance mula GAD.

Sa ngayon ay nasa mahigit 11,000 na senior citizen sa lunsod ang miyembro ng OSCA Cauayan City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *