FISCAP, tuluyan nang mabubuwag; bagong organisasyon ng senior citizen sa lunsod, pinagpaplanuhan na

Tuluyan nang mabubuwag ang Federation of the Senior Citizen Association (FISCAP) sa Cauayan City na una nang ipinatigil ng Sangguniang Panlunsod ang kanilang paniningil ng kontribusyon sa mga miyembrong senior citizen.

Ito ay matapos magdeklara ng bankruptcy ang pederasyon dahil wala na umanong pondo ang organisasyon na ibibigay para sa benepisyo ng mga pumanaw na miyembro.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay OSCA President Edgardo Atienza Sr., nais umano nilang buhaying muli ang FISCAP ngunit mismong ang presidente na ng pederasyon ang tumanggi na magpatuloy ang kanilang operasyon.

Kaugnay dito, sa isinagawang pagpupulong ng OSCA at mga presidente ng senior citizen sa mga barangay sa lunsod ay napagpasyahang bumuo na lamang ng panibagong organisasyon na nakatakdang simulan sa susunod na taon kung maaprubahan ng LGU Cauayan City.

Ayon pa kay OSCA Pres. Atienza, ang mga miyembro ng OSCA Cauayan City ay magiging miyrembro na rin umano ng mabubuong bagong organisasyon kung saan magbabayad ang mga ito ng 500 pesos membership fee lamang.

Mas mainam aniya ito kumpara sa binabayarang kontribusyon kada taon ng mga miyembrong senior citizen ng FISCAP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *