Pamilya minasaker sa Zamboanga Del Sur, 4 patay!

Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos pasukin at pagtatagain ng ‘di pa na kilalang suspek sa bahagi  ng Purok 3, Brgy New Katipunan, Midsalip, Zamboanga del Sur kahapon ng hapon.

Sa report na inilabas ng Midsalip Police  Station na pinamumunuan ni P/ Maj. Juvic D. Aballe, nadiscubri wala ng buhay at karumal dumal na pinaslang ang 4 sa limang miyembro ng pamilya Ubarde  sa loob nang kanilang tahanan nang dumating ang mga operatiba ng PNP.

Napag-alaman na kabilang sa mga pinatay ay isang Lolifer Zamora Udarbe, 33 anyos, (tatay) Julieta Arapon Aligo, 26 anyos (nanay) Elna Mae Udarbe, 7-anyos at Eljune Udarbe, 5-anyos na pawang residente ng nasabing lugar.

Sa naging pahayag ni Aballe, isang nag ngangalang Mario Baliao ang nakapagbigay ng impormasyon sa pulisya upang ipaalam ang masalimuot na sinapit ng pamilya Ubarde na agad naman nirespondehan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari.

Bumungad sa mga pulis ang mga gutay-gutay na katawan ng mga mag-kakaanak dahil sa halos maghiwalay na ang ibang bahagi ng katawan ng magkapated at ng kanilang nanay habang nakahiwalay naman ang ulo ng kanilang ama.

Sa ngayon ay wala pang itinuturing suspek sa pagpaslang sa mga kaanak habang inaalam ng awtoridad kung may alitan sa pagitan ng salarin at ng biktima na humantong sa madugong insidente. Guen Delos Santos/Daryll Canillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *