Halos 4k na mga PNP personnel sa Bicol, idineploy sa Labor Day

LEGAZPI CITY – Aabot sa halos 4,000 o kabuuang bilang na 3,813 PNP personnel sa Bicol Region ang idindeploy kahapon, Labor Day, na binubuo ng Crowd Dispersal Management (CDM), drone operators, police visibility teams, patrol units, traffic assistance personnel, at checkpoint/border control points.

Layunin nitong matiyak ang kapakanan ng lahat ng mamamayang kalahok sa iba’t ibang pagtitipon, lalo na sa mga lugar ng convergence, transportation hubs, at mga parke.

Samantala, naging abala rin ang mga kapulisan kahapon para sa Inang Magayon Grand Marian Procession (IMGMP) na bahagi ng pagbubukas ng Magayon Festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *