Pananatili ng mga Chinese students sa Cagayan, may mga kaukulang dokumento ayon sa PNP

Documented o may mga kaukulang dokumento ayon sa Philippine National Police ang pananatili ng mga Chinese students sa Cagayan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo na batay sa impormasyon mula sa mga opisyal ng Pulisya sa Cagayan, ang pagdami ng mga Tsino sa lalawigan ay alinsunod na rin sa pagbukas ng Commission on Higher Education sa internationalization.

Nangangahulugan ayon kay Fajardo na ang mga ito ay mga tinatawag na foreign students na piniling mag-aral doon at bahagi na rin ng hakbangin ng Lokal na Pamahalaan.

Paliwanag pa ni Fajardo, mayroon naman aniyang hawak na mga dokumento ang naturang mga Tsino at tiniyak din ng Cagayan Provincial Government na walang dapat ikabahala ang sambayanan dito

Una nang sinabi ng AFP na masyado pang maaga upang ituring na nakababahala ang pagdami ng mga Tsino sa Cagayan kaya’t mangangailangan sila ng kaukulang imbestigasyon hinggil dito

Pero sa ngayon, sinabi ni Fajardo na wala pa naman silang naitatalang mga iligal na aktibidad ng mga Tsino at normal naman nilang ipatutupad ang batas sakaling may paglabag, maging dayuhan o lokal na residente ng lugar gaya ng sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *