Pang. Marcos, kumpiyansa sa kakayahan ni Finance Sec. Recto

Nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si House Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong Finance Secretary.

Kumpiyansa naman si Pangulong Marcos kay Recto dahil sa mga karanasan nito sa paglilingkod sa gobyerno.

Naging director general si Recto ng Economic Development Authority mula 2008 hanggang 2009 sa ilalim ng Aroyo administrasyon.

Noong siya ay Senador isinulong niya ang Tax Reform for acceleration Inclusion Law o Train Law, Rice Tariffication Act, at Ease of Doing Business Law.

Bilang Kongresista naging principal author siya ng mga batas na nagbibigay sa maliliit na negosyo ng access sa pautang at iba pang financial services lalo na noong pandemya.

Papalitan ni Recto si Sec. Benjamin Diokno na babalik naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang miyembro ng monetary board.

Sinabi ng Pangulo na una niyang inalok kay Diokno ang pwesto na may kaugnayan sa pamamalakad sa Maharlika Investmanet Fund pero tinangihan ito ng kalihim.

Itinalaga rin ni Pang. Marcos bilang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs ang negosyanteng si Frederick Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *