Pang. Marcos, muling nanindigan na hindi kikilalanin ang hurisdiksyon ng ICC

Muling nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na hindi nito kinilala ang hurisdiksyon ng International Criminal Court sa bansa.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Quezon city kaninang umaga, sinabi nitong ikinokonsidera nyang banta sa soberanya ng Pilipinas ang ICC.

Pero kung bibisita anya sa Pilipinas ang ICC bilang ordinaryong tao, ay papayagan sila.

Pero hindi raw makakaasa ng tulong ang mga ICC investigators kung magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Sa katunayan, binabantayan daw sila ngayon para matiyak na hindi sila makakalapit sa kahit anong ahensya ng pamahalaan, at kung makakalapit man mahigpit ang direktiba nito sa mga government agencies kasama ang mga pulis na wag tumugon sa itatanong ng ICC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *