Pangulo umaasang makakaharap pa rin ang American President

Umaasa pa rin si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na makaka-one-on-one niya si US President Joe Biden sa kanyang 6-day trip sa Amerika.

Sa kanyang pagharap sa Filipino Community sa New Jersey Performing Arts Center bagama’t ang pangunahing pakay niya ay magsalita sa UN General Assembly sinabi ng Pangulo na nais niyang makaharap si Biden pati na ang ibang mga World leaders.

Iginiit ni Marcos na nanatiling matibay ang ugnayan ng Pilipinas at US at naniniwala siyang mas magiging matatag pa ito sa susunod na taon.

‘Our bilateral alliance with the United States is possibly as important and policy as there is in the Philippines. Our relation with US remains strong, and I believe we’ll make them stronger in the coming years’ wika ng Pangulo.

Subalit batay sa itenerary ng Pangulo sa Amerika, walang schedule ng meeting sa pagitan nina Marcos at Biden.

Samantala pinasalamatan naman ni Marcos ang nasa 4.3 million Filipinos na nakatira at nagtratrabaho sa buong Estados Unidos na malaki umano ang naging ambag sa American society.

‘Yung remittances na pinadala ninyo, alam ko ang iniisip ninyo ay tulungan ang mga pamilya ninyo. Pero kahit hindi niyo nararamdaman, malaking naitulong ninyo sa ekonomiya ng Pilipinas. At siguro hindi lang malaki ang naitulong, binuhay ninyo ang ekonomiya ng Pilipinas.’ ani Marcos.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *