Pangulong Marcos hinimok na patatagin ang pundasyon ng wikang Filipino

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang lahat na makilahok sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Sa kanyang mensahe kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng wika sinabi ng Pangulo, na ito ay upang mabago na sa ating kamalayan na ang pagsasalita ng banyagang wika ay hindi ang natatanging pamantayan ng karunungan.

Nagpaalala din ang punong ehekutibo na ang Filipino ay hindi limitado sa mga salitang likas lamang sa Tagalog, bagkus ay isang kalipunan ng iba’t ibang wika sa buong kapuluan, na naglalayong magbuklod sa ating lahat tungo sa pagsulong ng mas maunlat at nagkakaisang Republika.

Dapat din umanong panatilihin matatag ang ating lingwistikong pundasyon sa Filipino, dahil ang sariling wika ang ating magiging batayang lakas sa paglinang sa ating kultura habang nakikiayon sa agos ng makabagong panahon.

Naniniwala si Pangulong Marcos sasagana, sisigla, at liliwanag ang kinabukasan kung itataguyod natin nang buong dangal at pagmamahal ang ating wikang pambansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *