Panibagong bahagi ng pinaniniwalaang eroplano, natagpuan sa Sabtang, Batanes

Panibagong parte o bahagi ng hinihilaang eroplano ang natagpuan sa baybayin ng Brgy. Sumnanga, Sabtang, Batanes noong June 24, 2021.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PSSgt. Virgilio Jayrold Baldomar ng Sabtang Police Station, sinabi niya na ang naturang pinaniniwalaang parte ng eroplano ay nakita ng isang residente.

May posibilidad aniya na kapareho rin ito ng una nang natagpuang bagay sa Ivana, Batanes.

Aniya, mayroong nakalagay na Chinese character ang naturang piraso ng bagay kung saan may kulay na blue, white at red na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng bansang China.

Wala naman aniyang napaulat sa kanilang tanggapan o impormasyon na mayroong bumagsak na sasakyang himpapawid sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay nasa barangay Sumnanga pa rin ito at nakikipag-ugnayan na sila sa Aviation Security Group (AVG) para sa karagdagan pang imbestigasyon at koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya sa anumang posibleng insidente ng plane crash.

Magugunitang isang piraso rin ng pinaniniwalang parte ng eroplano ang natagpuan sa tabing-dagat sa Ivana, Batanes noong June 24, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *