Panibagong COVID wave, nanatiling posibilidad ayon sa WHO

Ipinaalala ng World Health Organization sa mga Pilipino na manatiling vigilant sa isa pang COVID-19 surge na posibleng hindi maiiwasan ng bansa.

Inihayag ito ng WHO kasabay ng ikalawang anibersaryo ng pagdedeklara nito ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Dr. Rajendra Prasav Yadav, acting WHO Representative to the Philippines, kailangan ay manatiling alerto ang publiko sakaling mag-surge ang virus sa iba pang bahagi ng mundo na maaring magresulta sa panibagong variant.

Sinabi ni Yadav, diniditermina pa ng WHO sa ngayon kung mas delikado at mas transmissible ang “deltacron” na kombinasyon ng delta at omicron variants ng coronavirus.

Nagbabala si Yadav na maharap sa sakuna ang bansa oras na mawala ang face masks lalo na’t bumabagal ang vaccination pace sa mga nakaraang araw.

Iginiit ng WHO official na masyado pang maaga para magdeklara ng victory laban sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *