Panibagong JASA viaduct sa City of San Fernando, isinusulong ni Congressman Aurelio “Dong” Gonzales, Jr.

Isinusulong ngayong taon ni House Deputy Speaker at Pampanga 3rd District representative Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. ang pagkakaroon ng 1.6km na panibagong Jasa Viaduct sa City of San Fernando.

Ayon sa congressman, layun nitong solusyunan ang problema ng trapiko sa lungsod.

Ang bagong Jasa Viaduct ay magiging kapalit umano ng dalawang fly over na nasisira na sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue.

Aniya, sa kasalukuyan mayroong 14 million budget na ilalaan sa naturang proyekto para sa viaduct’s detailed engineering design.

Samantala, makikipag-ugnayan rin umano siya sa National Government para madagdagan ng 2.5 billion ang pondo para sa proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *