Satellite registration ng Comelec San Fernando, lalarga ngayong araw

Lalarga na ngayong araw ang satellite registration ng COMELEC San Fernando para sa nagpapatuloy na voter’s registration.

Isasagawa ang satellite registration ngayong araw sa SM Telabastagan, na magtatagal hanggang January 7.

Sa January 9 naman, dadalhin ang registration sa San Fernando District Jail para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL, at January 10 naman sa mga PDL na nasa Pampanga provincial jail.

Gaganapin naman sa SM City Downtown ang satellite registration mula January 11 hanggang 14.

At January 16 hanggang 31 sa Robinsons Starmills, maliban lang sa araw ng linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *