Panibagong taas presyo ng produktong petrolyo, asahan na sa susunod na linggo

Asahang muli na namang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Department of Eenrgy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) director Atty. Rino Abad, sinabi nito na bagaman na-maintain ang presyo ng gasolina sa halos buong linggo ay umakyat muli ang presyo ng diesel at kerosene sa global market.

Sa pagtataya—posibleng may increase na P0.50 hanggang P1.00 ang kada litro ng gasolina.

Posible rin ang P0.10 hanggang P0.15 na umento sa kada litro ng diesel; at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene.

Paliwanag ng opisyal ng DOE, malaking epekto talaga ang pagbabawas ng Saudi at Russia sa kanilang supply ng petroleum products kung saan March ay may 1.66M barrel per day ang binabawas ang Organization of the Petroleum Exporting Countries Plus na nasundan pa nitong July at gayundin ngayong buwan.

Maliban pa rito, nakadagdag din daw sa pagsipa ng presyo ng petrolyo ang paghina naman ng piso kontra sa dolyar.

Samantala, aminado naman si Abad na bagaman kayang kontrolin ang supply sa bansa sa pamamagitan ng pagkontrol sa demand ay mahihirapan ito sa ngayon lalo’t naka-recover na ang ekonomiya mula sa pandemic kaya hindi na mapigilan ang economic activities ng mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *