Paninigarilyo ng marijuana, hindi dapat gawing ilegal, ayon kay US VP Harris

Naniniwala si U.S. Vice President Kamala Harris na walang sinuman ang dapat na makulong dahil sa paninigarilyo ng weed o marijuana.

Ito ang kanyang pahayag matapos niyang makipagpulong sa rapper na si Fat Joe at iba pang na-pardon para sa marijuana convictions.

Nanawagan si Harris sa US Department of Health anf Human Services at Department of Justice na pabilisin ang reclassifying ng marijuana dahil hindi naman raw ito gaanong nakakapinsala kaysa sa mga ibang droga tulad ng heroin.

Nakasalalay na ngayon ang desisyon a Drug Enforcement Administration ng Department of Justice sa Amerika.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *