Rayver Cruz, na-bash online matapos ang live nila ni Julie Ann San Jose

Inulan ng batikos ang dancer at aktor na si Rayver Cruz sa social media matapos ang kanilang live ng kanyang real life girlfriend na si Julie Ann San Jose.

Kuha kasi sa isang screen-recorded video na parang sobrang hyper ni Rayver at parang hindi mapakali sa kanyang inuupuan.

Saad ng mga netizens, “high” at parang lasing si Rayver at ikinababahala nila ang paggalaw nito.

Agad namang tinugunan ito ng kanyang girlfriend na si Julie Anne at sinabing below the belt ang mga akusasyon na ibinabato kay Rayver.

Nag-post din si Rayver bilang tugon sa akusasyon, at nilinaw na hinding-hindi niya sasaktan si Julie Anne at hindi niya ilalagay sa panganib ang kanyang career sa pamamagitan ng pagpasok sa trabaho nang hindi “sober.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *