Panukala na layong ipagbawal ang paggamit ng mga cellphones sa oras ng klase – inihain

Isinusulong ng isang kongresista sa Kamara ang pagbabawal sa pagdadala at paggamit ng cellphone habang nasa loob ng klase.

Sa inihaing House Bill 662 o ang “No Cellphone During Classes Act” ni House Committee on Ways and Means chair Joey Salceda, nais nitong ipagbawal ang paggamit ng cellphones at ibang digital devices ng mga estudyante sa private and public kindergarten, elementary, at secondary kabilang na ang senior high school sa loob ng classroom o nasa paaralan habang mayroong klase.

Iginiit ni Salceda na aminado siyang Malaki ang benepisyo ng paggamit ng cellphone ngunit nagiging dahilan rin ito ng abala o istorbo sa klase.

Nakapaloob rin sa naturang panukala ang pagtatatag ng ‘device depositary office’ ng bawat paaralan para magsilbing deposit area ng mga estudyante ng kanilang mga cellphone at gadgets sa pagpasok ng paaralan.

Hindi naman pabor dito ang karamihan sa nakausap ng Brigada na mga estudyante.

Ayon sa kanila, hindi naman umano istorbo ang kanilang mga cellphones bagkus ito ay malaking tulong rin sa kanilang mga pangangailangan sakaling may gustong i-search online.

Sadya naman umanong ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa silid-aralan sa oras ng klase.(MIKE SALGADO)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *