Panukala na magpapataw ng buwis sa single-use plastic bags, aprubado na sa Kamara

Aprubado na ng Kamara ang panukala na magpapataw ng P100 tax para sa bawat kilogram ng single-use plastic bags, na tatanggalin mula sa mga lugar ng production o inilabas sa kustudiya ng Customs Bureau.

Ito ay sa ilalim ng House Bill 4102 o ang Act Imposing Excise Tax on Single-use Plastic Bags, na nag-aamyenda para sa layunin ng Section 288 at pagdagdag ng bagong section 150-c sa National Internal Revenue Code of 1997, as amended.

Nakasaad sa panukala na ang P100 na initial tax per kilo ng single-use plastic bags ay tataas ng 4% bawat taon, na epektibo sa January 1, 2026, sa pamamagitan ng revenue regulations na inilabas ng Secretary of Finance.

Ayon kay House Ways and Means panel Chairperson Joey Salceda of Albay, na ang plastic bags tax ay may kaugnayan sa pagsisikap mng bansa na labanan ang ocean pollution, lalo na’t tinutukoy ngayon ang bansa bilang world’s biggest ocean plastic polluter.

Ipinasa din ang panukala para mahikayat ang paggamit ng environment-friendly na mga alternatibo para sa plastic bags. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *