Panukalang batas para ipagpaliban ang Barangay at SK Election sa 2022, inihain sa Kamara

Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa 2022.

Sa House Bill no. 10425 na inihain ni Davao Oriental Rep. Joel Almario nais nitong ipostpone sa May 6, 2024 ang Barangay at SK election mula sa orihinal na petsa nitong Dec. 5, 2022.

Paliwanag ni Almario ito ay upang maipagpatuloy ng kasalukuyang nakaupo sa barangay level ang mga mekanismo na nasimulan nito sa paglaban kontra COVID-19.

Dagdag pa ni Almario na malaki ang papel na ginagampanan ng mga Barangay Officials ngayong pandemya dahil sila ang nagsisilbing mga sundalo ng ehekutibo at ‘first line of defense’ ng lokal na pamahalaan.

Noong December 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapaliban sa Barangay at SK election mula Mayo 2020 papuntang Disyembre ng 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *