Ruling sa disqualification case laban kay Marcos Jr., posibleng ilabas sa Disyembre – Comelec

Posibleng sa susunod na buwan mailabas ng Commission on Election ang ruling kaugnay sa petisyon ng ilang grupo para idiskwalipika si presidential aspirants Bongbong Marcos.

Paliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez, kailangan dumaan sa proseso katulad nang pagbibigay ng sapat na panahon para taong sangkot na makasagot sa petisyon.

Maliban dito bago makapaglabas ng desisyon ang Comelec en banc ira-raffle pa ito sa comelec division, maglalabas ng mga summons, maghihintay ng sagot ng respondents at pre-conference ng kaso.

Bibigyan din umano ng tatlong araw ang magkabilang kampo na maisumite ang kanilang momoranda sa reklamo bago masabing submitted na ito fo resolution.

Magugunitang nahaharap sa disqualification si Marcos dahil sa umano’y conviction nito sa isang tax evision case.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *