Panukalang magtataas ng parusa laban sa tax racketeering, aprubado na sa Kamara

Pinagtibay na ng Kamara ang panukalang magtataas ng parusa laban sa tax racketeering.

Walang tumutol sa pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill 8144 na naka kuha ng 276 na boto at walang kumontra.

Ang tax racketeering ay mga indibidwal na umiiwas o hindi nagbabayad ng buwis gamit ang mga pekeng resibo, record at iba pang dokumento na ang halaga ay hindi lalagpas sa 10 milyong piso.

Ang mapapatunayang guilty sa kasong ito , ay papatawan ng 17 hanggang 20 taong pagkakakulong habang ang kasabwat ay papatawan ng 10 hanggang 17 taong pagkakakulong.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, target ng panukala na matuldukan ang mga modus na nagdudulot ng pagkawala ng bilyon-bilyong kita sa pamahalaan.

Marami aniyang mga sindikato o bogus business ang gumagawa ng tax racketeering kaya napapanahon na aniya na mapanagot ang mga ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *