Pari na tumatakbong Mayor Camarines Sur na sinuspinde ng simbahan mahihirapang makabalik sa Clerical Duties

NAGA CITY- Mahihirapang makabalik pa sa clerical duties ang paring sinuspinde dahil sa pagkanditato sa pagka alkalde sa Libmanan Camarines Sur, ito ay ayon sa Caceres Commission on Communication (CCOM).

Ayon kay Bishop Jose R. Rojas Jr. ng Diocese ng Libmanan, Camarines Sur, hindi pinapayagan ng batas ng simbahan ang mga pari na sumali sa politika o  may sinusunod na Canon Law. 

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Fr. Louie Occiano ng CCCom , sinabi nitong nakikita kase na paglabag sa Canon Law ang gawain ni Fr. Granwell  “Dawe” Pitapit. Nangangahulugan ito na inalis ang kapangyarihan na magmisa , magbinyag,  magpakumpisal at iba pang gawain ng isang ganap na pari maliban kung emergency. Inalis din sa pagiging Social Action Director ng Diocese ng Libmanan.

20-taon nang naninilbihan sa pagiging pari si Pitapit ,  makakatunggali niya ang kasalukuyang Mayor na si Bernard Brioso. Kung matatalo , sinabi ni Occiano na mahihirapan ito dahil may proseso rin ang pagpapari. Malaking bagay din ang magiging pagpapasya ng kanilang Bishop.

Bukod kay Fr. Pitapit, may dalawa pang pari na pumasok sa politika. Isa na rito si Fr. Emerson Luego ng Diocese of Tagum na tatakbo bilang mayor ng bayan ng Mabini, Davao de Oro, gayundin si Si Fr. Emmanuel Alparce na tatakbo bilang konsehal sa Bacacay, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *