Magsisimula na ng pagbabakuna ang Olongapo City ng mga kabataang edad labindalawa hanggang labing-pito sa ika-apat ng Nobyembre.
Ito ay pilot vaccination para lamang muna sa mga kabataang may comorbidity o may karamdaman na nakapagparehistro na online.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, gagawin ang vaccination sa James L. Gordon Memorial Hospital at target ang 150 na bilang kada araw.
Isasagawa ang pagbabakuna mula November 4 hanggang 5 at November 8 hanggang 12 sa pagamutan.
Paalala ni Bustamante na kinakailangang dalhin ng mga magpapabakuna ang kanilang medical certificate.
Samantala, sakaling matapos umano ang vaccination sa mga kabataang may comorbidities ay isusunod naman ang iba pa dahil mayroon na ring suplay ng bakuna.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO