Pasaporte ni ex-Rep. Teves, kanselado na

Ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ni dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na itinuturong utak sa likod ng pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo.

Inatasan din nito ang National Bureau of Investigation (NBI) na gumawa ng tamang hakbang para maibalik si Teves sa bansa.

Ayon sa Manila RTC, itinatag ng prosekusyon na si Teves ay isang takas sa hustisya.

Bilang depensa, gagawin naman ni Teves ang lahat ng legal na remedyo baligtarin ang kautusang inilabas ng Korte hinggil rito.

Saad ng abogado ni Teves na si Ferdinand Topacio, dapat ipaalala kay Sec. Remulla na walang makatwirang koneksyon sa pagitan ng pagkansela ng pasaporte at pagkakasala ni Rep. Teves.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *