Pasok sa trabaho at kalse sa probinsya ng Cagayan, suspendido na dahil sa bagyong Kiko

Suspendido na simula ngayong araw ang lahat ng pasok sa trabaho at klase sa pampubliko at pribadong tanggapan sa buong probinsya ng Cagayan bunsod ng banta ng supertyphoon Kiko.

Ito ay kasunod ng kautusan ni Governor Manuel Mamba upang makapaghanda ang publiko sa nagbabadyang pananalasa ng naturang bagyo.

Kasabay nito ay nanawagan ang gobernador sa lahat ng mamamayan na ihanda ang mga kinakailangang maihanda kagaya ng pagkukumpuni sa kanilang mga tahanan.

Pinayuhan din ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim na maari nang anihin habang hindi pa dumarating ang hagupit ng bagyo.

Umapela rin si Gov. Mamba sa mga frontliners na pagibayuhin pa ang kanilang paglilingkod lalo pat nagpapatuloy din ang paglaban sa pandemiya.

Samantala, tuloy pa rin ang serbisyo ng mga tanggapan ng mga responder sa pagtugon sa nararanasang kalamidad.

Mananatili naman ang naturang suspensyon hanggat hindi binabawi ng tanggapan ng gobernador.

Sa ngayon ay nakataas na ang signal no. 3, 2 at 1 sa mga mga lugar sa probinsya ng Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *