Passport on wheels ng DFA, pupunta sa Tarlac sa November

Inaasang pupunta ang Passport on Wheels ng Department of Foreign Affairs o DFA sa lalawigan ng Tarlac sa November 4 at 5.

Ito’y matapos makipag-ugnayan ang Tarlac Provincial Government at Public Employment Service Office o PESO sa DFA.

Layon nitong ilapit sa publiko ang passport registration para hindi na sila mamasahe o bumyahe patungo sa opisina ng ahensya.

Samatala, aabot lang sa 800 na indibidwal ang tatanggapin na makakapag parehistro para sa kanilang passport on wheels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *