PBA, target na masimulan muli ang mga laro nito sa Setyembre

Target ng PBA na masimulan muli ang mga laro sa Setyembre sa Pampanga, matapos itong masuspindi pansamantala sa Metro Manila.

Inihayag ito ng PBA matapos nitong makakuha ng pahintulot mula sa provincial government ng Pampanga.

Sinabi ni Rain or Shine coach Chris Gavina na excited na sila sa pagbabalik ng mga laro.

Ipinunto naman ni TNT mentor Chot Reyes na patuloy lamang nila na pinagbubuti ang kanilang laro sa kabila ng suspensyon ng mga laro.

Matatandaan na ipinatigil ng NBA ang pagdaraos ng mga laro noong August 3 matapos ma-implementa sa Metro Manila ang enhanced community quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *