PBBM dumalo sa Masskara Festival sa Bacolod City

Dumalo sa Masskara Festival sa Bacolod City si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa culmination activity ng naturang festival inihayag ng Pangulo na matapos ang dalawang taong epekto ng pandemya, natutuwa umano siya at muling nasaksihan ang masayang performance sa Masskara Festival.

Dagdag pa nito ang Masskara festival ang isa sa magiging patunay na ang nakabalik na sa normal ang Pilipinas mula sa epekto COVID-19 pandemic.

Muli naman iginiit ni Pangulong Marcos na na ang industriya ng turismo ang isa sa mga susi para sumigla muli ang ekonomiya lalo na sa mga malalayong lugar na mayroong magagandang tanawin at magiging daan para magkaroon ng trabaho at kabuhayan ang mga tao.

Hinihikayat ng Presidente ang publiko na umpisahan ang pagpapalakas ng turismo para sa pagbangon ng ekonomiya ngayong darating na Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *