PBBM, hindi tiyak kung option pa rin ang PI sa cha-cha

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na wala pang napag-uusapang desisyon hinggil sa itinutulak na pag amyenda sa 1987 Constitution.

Sa panayam ng media sa Pangulo sa sidelines ng state visit nito sa Vietnam, sinabi ng Pangulo na hindi sya tiyak kung nananatili sa kanilang option ang people’s initiative para sa constitutional amendments.

Patuloy pa anya sa ngayon ang konsultasyon nito sa mga dating chief justices, constitutionalist at sa kanyang legal counsel na si Juan Ponce Enrile sa kung ano ang pinaka tamang gawin.

Aminado ang Pangulo na nalalayo na ang usapin at nagagamit na sa pamumulitika ang ninanais nitong pag amyenda lang sana sa economic provision ng saligang batas.

Ayon pa kay PBBM, kinausap na nya ang leader ng mababa at mataas na kapulungan, at ang ilan sa pinakamahuhusay na constitutional mind sa bansa para magisip ng solusyon na mas simple at hindi magdudulot ng anumang kontrobersiya.

Batid din anya ng Pangulo na ang karaniwang hidwaan sa pagitan ng house at senate ay kung dapat bang bumuto ng magkasama o magkahiwalay, kaya’t ito ang hinahanapan nila ngayon ng solusyon upang mapanatili ang papel ng both houses sa bicameral system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *