PBBM: ipaubaya na sa COMELEC ang validation ng mga pirma sa People’s Initiative

Hahayaan daw ni Pangulong Bongbong Marcos ang Commission on Elections (COMELEC) na i-validate ang mga pirma para sa People’s Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa ambush interview, sinabi ng Pangulo na trabaho na ng COMELEC na siguruhing tama ang mga pirma sa petisyon, at hindi sila sapilitang pinalagda, ‘o ‘di kaya nama’y hindi talaga nila naintidihan kung ano ang kanilang mga pinirmahan.

Una na kasing inireklamo ng iilang mga mambabatas na mayroon daw mga pumirma rito sa pag-aakalang para ito sa ayuda.

Sabi ni Marcos, kung mayroon daw makitang suspicion, at mapatunayang bayad ang mga pirma ay hindi ito dapat tanggapin ng COMELEC.

Bago ito, una nang sinabi ng poll body na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nais bumawi ng pirma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *