Isa illegal recruitment company – pinasara ng DMW

Isa na namang illegal recruitment company sa Quezon City ang ipinasara ng Department of Migrant Workers na nag aalok ng mga pekeng trabaho.

Personal na tinungo ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police, ang opisina ng LegalConnect Travel Consultancy Services na mahigit isang buwan ng minamanmanan sa EDSA Project 7 Veterans Village sa nasabing lungsod para isilbi ang closure order.

Napag-alaman kasing wala itong lisensya mula sa DMW para magrecruit ng mga pinoy na gustong mag sa Italy at Malta na nagsimula pa noong May 2023.

Nag-ugat ang operasyon makaraang makatanggap ng reklamo sa ilang indibidwal na hindi nakaalis patungo sa ibang bansa.

Ang siste, nag-aalok daw sila ng mga trabaho sa ating mga kababayan para ipadala bilang agricultural workers sa Italy at hotel service crew sa Malta.

Aabot naman sa 250,000-380,000 ang hinihinging placement fee ng ahensya sa mga aplikante na nagnanais makapagtrabaho sa ibang bansa.

Giit ni Cacdac, mananagot at sasampahan ang lahat ng mga empleyado ng naturang agency na nagsasagawa ng illegal recruitment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *