PBBM, ipinag-utos sa Philhealth na suspindihin ang pagtaas ng kanilang premium rate

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth na suspindihin ang pagtaas ng kanilang premium rate at income ceiling na dapat magkabisa ngayong taon.

Binanggit sa kautusan ang dinaranas na socioeconomic problem ng mga Pilipino dahil sa pandemya.

Ang isang memorandum mula sa Office of the President, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin , iniu-utos ang pagpapaliban ng nakatakdang pagtaas sa PhilHealth premium rate mula 4 percent hanggang 4.5 percent at income ceiling mula P80,000 hanggang P90, 000 para sa 2023 sa ilalim ng Universal Health Care Act.

Nauna nang nangatuwiran ang PhilHealth na ang nakaambang 4.5-porsiyento na pagtaas ng premium ay makakatulong sa state-run insurance corporation na mapanatili ang antas ng mga benepisyong kasalukuyang tinatamasa ng mga miyembro nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *