PBBM, naghahanda na para sa gaganaping UNGA sa New York

Naghahanda na umano si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. para sa gaganaping United Nations General Assembly ngayong buwan ng Setyembre sa New York sa Amerika.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez kung saan sinabi rin nitong ilang bilateral meetings na ang naka line-up para kay Pangulong Marcos.

Gayunman, sinabi ni Romualdez na hindi pa niya tiyak kung kabilang dito ang pulong kay US President Joe Biden.

Dagdag pa niya, nakabuo na ng talumpati ang pangulo na kanyang ilalahad sa UN General Assembly.

Inaasahan naman na matatalakay sa nasabing assembly ang human rights issue sa Pilipinas partikular sa violent drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, makakaharap naman ng pangulo sa naturang assembly ang ilan sa mga American business groups at investors na nais makipag ugnayan sa Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *