PBBM nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Karding’

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Karding.

Sa press briefing sa opisina ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo sinabi ni Marcos na nais niyang personal na makita ang lawak ng danyos ng bagyo na unang itinaas sa super typhoon category.

Inihayag naman ng Pangulo na hindi siya baba sa mga lugar upang hindi na maka-istorbo sa isinasagawang mga rescue at humanitarian operations ng mga LGUs at mga otoridad.

Sinabi ng commander in chief na magtatakda na lamang siya ng ibang panahon para puntahan ang mga lugar na labis na sinalanta ng bagyo.

Ang importante umano sa ngayon ayon sa Pangulo ay mabigyan ng kailangan ayuda ang mga biktima ng bagyo katulad ng pagkain at tubig.

Samantala ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pag-airlift sa mga immidiate needs para sa mga residente ng Polilio Islands na unang hinagupit ng supertyphoon Karding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *