PBBM – nakatakdang mag-State Visit sa Malaysia matapos ang SONA

Kasado na ang official State Visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa Malaysia ula sa Jule 25 hanggang 27.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Deparment of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Ma. Teresita Daza na makakasama ng Pangulo sa Malaysia ang kaniyang First Lady, Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, at ang kaniyang economic team.

Kagaya rin ng mga nagdaang foreign trips ng Pangulo – dadalhin niya ulit ang isang business delegation na layuning makalikom ng mga pamumuhunan, at ma-promote ang bansa bilang isang torusim destination.

Samantaa, hindi rin isinasantabi ng DFA ang posibilidad na maaaring ibida ng Pangulo sa Malaysiya ang bagong Maharlika Investment Fund.

Kung maaalala, ang Malaysiya ay mayroon ding sariling bersyon nito na 1Malaysia Development Berhad na nauwi sa iskandalo dahil sa kurapsyon.

Kaugnay nito, makikipagpulong din ang Pangulo kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim at sa kanilang Hari.

‘Di pa naman tukoy kung mabubuksan ang usapin sa Sabah sa naturang mga pagpupulong.

Nakatakda rin ang pagbisita ni Marcos sa Filipino community doon.

Ito na ang ika-14 na foreign trip ng Pangulo mula nang maluklok siya sa puwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *