Binabantayang LPA – isa nang ganap na bagyo at tatawaging Bagyong #EgayPH

Nag-develop na bilang isang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa silangang bahagi ng Southeastern Luzon.

Ayon sa PAGASA, kaninang alas-otso ng umaga ay isa na itong ganap na tropical depression at tatawaging Bagyong Egay.

Huli itong namantaan sa layog 900 kilometro silangan ng Southeastern Luzon, taglay ang lakas ng hanign n apapalo ng 55 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng 70 kilometro kada oras.

Sa loob ng 12 oras – posible pang lumakas ang bagyo bilang isang Tropical Storm at maaari ring umakyat pa sa Super Typhoon Category sa araw ng Lunes.

Ang naturang sama ng panahon ay magdadala ng mga apg-ulan sa bahagi ng Catanduanes at sa Northern Samar.

Samantala, magpapa-ulan pa rin naman ang Southwest Monsoon sa western sections ng MIMAROPA at VISAYAS hanggang sa araw ng Linggo.

Sa araw ng Lunes sa SONA ng Pangulo – may tiyansa pa rin ng mga pag-ulan dulot ng Habagat sa bahagi ng Southern Luzon at sa Western Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *