PBBM pinag-iingat sa pagdaragdag ng mga US military facilities sa Pilipinas

Pinayuhan ng isang political analyst si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na maghinay-hinay sa pagdaragdag ng mga US military bases sa bansa.

Ayon kay Atty. Ed Chico dapat pag-aralan mabuti ng pangulo ang naturang mga hakbang dahil maaari itong magdulot ng tension sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ginawa ni Chico ang pahayag matapos sabihin ng US Embassy na balak ng Amerika na magdagdag ng limang lugar para pagtayuan ng military facilities bilang bahagi ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ayon sa abogado, na mayroong namumuong tension sa pagitan ng China at Estados Unidos.

Sinabi ni Chico na kailangang balansehin ng pangulo ang interes ng Pilipinas at ang interes ng pakikipag ugnayan sa ibang mga bansa sa mundo sa paraang hindi ito makasasakit o makao offend lalo na sa China.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *