PBBM pinamamadali ang pagresponse sa mga lugar na apektado ng 7.0 magnitude na lindol

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na madaliin ang disaster and response sa mga lugar na naapektuhan ng 7.0 magnitude na lindol.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nakikipag-ugnayan na ang Pangulo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at Department of Social Welfare and Development para mapabilis ang tugon sa nangyaring kalamidad.

Maliban dito hiniling din ng punong ehekutibo sa mga telcos para sa agarang tulong upang maitayo ang mga nasirang mga communication tower upang magtuloy-tuloy ang linya ng kominukasyon.

Inilahad din ni Angeles na nakatakdang bisitahin ng Pangulo ang ilang lugar na labis na naapektuhan ng lindol partikular na ang Abra.

Sinabi ng kalihim na patuloy pa ring dumarating ang mga reports mula sa mga LGUs kaugnay sa laki ng pinsala na idinulot ng pagyanig.

Samantala ilang mga nakalinyang aktibidad ni Pangulong Marcos ay pansamantalang kinansela para matutukan disaster response ng gobyerno sa nangyaring kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *