PHIVOLCS inilarawan ang 7.0 magnitude na lindol bilang ‘major earthquake’

Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Abra kaninang alas-otso kuwarenta’y tres.

Unang naitala ang magnitude 7.3 na lindol sa Lagangilang, Abra at di-nowndgrade sa magnitude 7 kaninang alas-diyes.

Sa eathquake information number 2, ang sentro ng lindol ay naitala na sa Tayum, Abra.

Tectonic ang origin nito, at mababaw ang depth of focus sa 17 kilometers.

Intensity VII ang naramdaman sa Bucloc at Manabo sa Abra;

Intensity VI sa Vigan City, Sinait, Bantay, San Esteban sa Ilocos Sur; at Laoac, Pangasinan; at Baguio City;

Intensity V naman ang naitala sa Magsingal at San Juan, Ilocos Sur, Alaminos City at Labrador, Pangasinan; Bambang, Nueva Vizcaya; Mexico, Pampanga; Concepcion, at Tarlac City, Tarlac;

City of Manila; City of Malabon

Intensity IV naman sa City of Marikina; Quezon City; City of Pasig; City of Valenzuela; City of Tabuk,

Kalinga; Bautista at Malasiqui, Pangasinan; Bayombong at Diadi, Nueva Vizcaya;

Guiguinto, Obando, at San Rafael, Bulacan; at San Mateo, Rizal

Intensity III naman sa Bolinao, Pangasinan; Bulakan, Bulacan; Tanay, Rizal, habang

Intensity II – sa General Trias City, Cavite; Santa Rosa City, Laguna.

Samantala, sinabi ni PHIVOLCS Director Usec. Renato Solidum na hanggang sa ngayon ay wala pang inaasahang tsunami matapos ang pagyanig.

Paliwanag nito, sa lupa tumama ang eaarthquake at kung mayroon mang nakitang paggalaw o pagbaba ng tubig sa ilang mga coastlines ay hindi ito indikasyon ng tsunami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *