PBBM, tiniyak sa mga government workers ang pagpapabuti sa kanilang kalagayan

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga empleyado ng pamahalaan na patuloy ang gobyerno sa pag gawa ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Sinabi ito ng Pangulo sa seremonya kahapon ng pagkilala sa mga natatanging kawani ng gobyerno sa taong 2023.

Kung saan nangako rin ang Presidente na dadagdagan pa ang kanilang bilang sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Anya ang 2023 Outstanding Government Workers ay pagpapakita ng imahe ng isang huwarang manggagawa sa gobyerno, na palaging nagbibigay ng serbisyo publiko na walang inaantay na kapalit.

Samantala kabilang sa mga iginawad ni Pangulong Marcos ay ang 2023 Civil Service Commission Pagasa Award, Dangal ng bayan award, at Presidential Lingkod Bayan Award.

Habang iginawad naman ang pinaka mataas na pagkilala o ang Presidential Medal of Merit kay Apo Whang Od.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *