PCG trainee, patay matapos mawalan ng malay sa isang sports fest sa Aurora

Pinare-review na ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa Coast Guard Education, Training and Doctrine Command ang kanilang training rules, regulations and guidelines.

Ang utos ni Admiral Gavan ay kasunod ng pagkamatay ng isang PCG trainee matapos mawalan ng malay sa isang sports fest sa Barangay Mijares, Dipaculao, Aurora noong Linggo.

Sinabi ni Gavan na ang health at welfare ng kanilang mga trainees ang dapat nananatiling prayoridad sa lahat ng kanilang PCG regional training centers sa buong bansa.

Nagpaabot na ng pakikiramay opisyal sa pamilya ng PCG trainee habang inatasan niya na rin ang Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC) at ang Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service (CGIG-IAS) na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *