PH, nadetect ang 119 pang kaso ng Delta variant; Total tally nasa 450 na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang 119 pang bagong kaso ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant, dahilan para lalo pang sumipa ang kabuoang bilang nito sa 450.

Ayon sa DOH, 93 sa mga bagong kaso ay local, 20 ang returning overseas Filipinos (ROFs), at anim ang patuloy pa na isinasailalim sa beripikasyon.

Ang mga local cases ay mula sa Metro Manila (18 cases); Calabarzon (14 cases); Central Luzon (18 cases); Western Visayas (31 cases); Northern Mindanao (8 cases); Central Visayas (1 case); Eastern Samar (1 case); Zamboanga Peninsula (1 case); Cordillera Administrative Region (1 case).

Paglilinaw naman ng DOH, ang 118 infection ay nakarekober na, habang may isang pasyente na beneberipika pa. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *