PH, nakapagturok na mahigit 80M COVID jabs —NTF

Nakapagturok na ang Pilipinas ng 80 million COVID-19 vaccines, simula nang magsimula ang national vaccination program.

Ayon sa National Task Force against COVID-19, batay sa datos noong November 26 mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), nasa 35,391,519 Filipinos na ang nakatanggap ng dalawang doses o full vaccination.

Sinabi rin ng NTF na ang 35,391,519 fully-vaccinated recipients ay kumakatawana sa 45.88% ng vaccine eligible population ng bansa.

Una nang sinabi ni NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang vaccination rate ay nakatulong na sa pagbibigay ng “sense of normalcy” sa mga Pilipino.

Sa usapin naman umano ng vaccine deliveries, inihayag ng NTF na nasa 141,606,240 COVID-19 vaccine doses na ang kabuoang dumating sa bansa, mula sa iba’t-ibang manufacturers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *