Pharmacists group, naalarma sa pamimigay ng ivermectin sa QC

Nababahala ang isang grupo ng mga pharmacists sa pamamahagi ng libreng capsules ng de-worming drug ivermectin sa Quezon City kamakailan.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang prescription para sa ivermectin na ipinamahagi ng dalawang mambabatas sa Barangay Matandang Balara na walang pangalan at license number ng physician.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Pharmacists Association president Gilda Saljay na isa itong paglabag sa Republic Act 10918 o Philippine Pharmacy Act.

Ayon kay Saljay, walang panghahawakan ang mga pasyente sakaling may mangyari sa kanilang di maganda pagkatapos uminom ng ivermectin na nasa ilalim ng compaasionate special permit.

Aniya, pwede lang mag-compound ang mga pharmacists ng gamot para sa ispesipikong mga pasyente na mayroong valid prescription.

Mababatid na namigay ng ibreng capsule ng anti-parasitic drug sina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta kahapon sa kabila ng babala mula sa ilang health organizations at medical groups.

Sa ngayon, limang ospital pa lamang ang pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) na gumamit ng ivermectin bilang investigational drug panggamot sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *