PhilHealth, umapela sa pagharang ng SC sa P83M na halaga ng benepisyo para sa kanilang empleyado

Naghain ng petisyon para sa motion for reconsideration ang Philhealth kaugnay ng naging desisyon ng Supreme Court na pagbabawal na ipamahagi ang P83 milyong halaga ng benepisyo sa mga tauhan nito noong taong 2014.

Ayon kay PhilHealth spokesperson Rey Balena, maraming empleyado ang nakatanggap ng naturang benepisyo.

Ito aniya ay taliwas sa iniulat na tanging mga opisyal lamang ang nakatanggap ng benepisyo.

Dagdag ni Balena, kung ito ay ibabalik, magiging mahirap para sa ahensya sapagkat lahat ng benipisyo ay kailangang maisauli.

Matatandaang una nang iniutos ng Supreme Court na ibalik ng PhilHealth ang P83 milyong halaga ng benepisyo na ipinamahagi ng PhilHealth sa kanilang mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *