Philippine Coast Guard inirekomenda sa LGU na maglagay ng signages sa mga delikadong bahagi ng Bagasbas beach

CAMARINES NORTE – Inirekomenda ng Philippine Coast Guard sa Lokal na Pamahalaan na maglagay ng signages sa mga delikadong bahagi ng Bagasbas beach.

Kasunod yan nang pagkalunod patay ng isang lalaking naliligo noong Labor Day makaraang mapadpad sa bahagi ng dagat na malakas ang rip current.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay LTJG Jason Lavadia, Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station, inihayag nito na maraming lugar talaga sa Bagasbas beach ang mayroong rip current na delikado sa mga beachgoers.

Bukod sa signages, mas mainam nga raw talaga kung mayroong permanenteng nagbabantay sa lugar o kahit man lang may regular roving team na nagmomonitor.

May paalala naman ang Coast Guard sa mga beac goers sakaling mapadpad sa bahagi ng dagat na may rip current.

Matatandaan na nangyari ang pagkalunod sa may tulay na nag- uugnay sa Bagasbas at San Roque, Mercedes.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga lasing o nasa impluwensya ng alak na huwag nang subukang lumangoy para makaiwas sa disgrasya.

Mas mainam din umano kung makatawag agad sa kanilang opisina upang mabilis na makapagresponde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *