Citizenship ni Boatwright para maging isang ganap na Filipino pinoproseso na

Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas Pilipinas national men’s basketball.

Mababatid na naghain si Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman, Sen. Sonny Angara ng Senate Bill 2646 na naglalayong bigyan ng Filipino citizenship si Boatwright.

Ito’y matapos ang preliminary meeting sa pagitan ni Boatwright at ng mga opisyal ng SBP.

Si Boatwright ay napabilang sa sa ALL-PAC-12 First Team para sa 2018-2019 season, kasama ang mga kasakuluyang NBA player na sina Jaylen Nowell, KZ Okpala at Matisse Thybulle.

Noong 2017, MVP siya sa ESPN Diamond Head Classic at noong 2019 ay naging bahagi ng National Association of Basketball Coaches All District Second Team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *