PHIVOLCS, binigyang-diin na hindi pa tahimik ang kalagayan ng Mayon ngayong 2023

LEGAZPI CITY – Hindi pa natatahimik ang Bulkang Mayon ngayong 2023 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi ni PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis, ito ay dahil hindi pa nila binababa ang alert level status mula noong buwan ng Hunyo.

Nasa alert level 3 pa rin ito sa ngayon at dahil dito, pinapayuhan pa rin ang publiko na maging maingat at alerto lalo na sa mga residenteng nakatira malapit sa bulkan.

Lalo naman pagdating sa malalakas na ulan na epekto ng shear line na posibleng mag-trigger sa pagragasa ng volcanic materials na naipon dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *